Tuesday, May 11, 2010

Kwentong Farmville

"Gaano katagal ka nang nagfafarmville?"

"Nakaka-ilang buwan na rin ako dun."

"Wow, ang sipag mo naman. Kaya pala ang layo na ng narating mo.."

"Oo nga e, walang tigil sa kaka tanim at ani, sa kakabili at benta, sa kakalagay ng kung anu-anong mga che-che-bureche sa farm."

"Ang ganda nga ng farm mo eh."

"Talaga? Salamat ha. Produkto yan ng ilang buwan kong pagtitiyaga mula nang nawalan ako ng trabahong matino."

No comments:

Post a Comment